UCLA Liwanag at Dilim 2010 (Benevolence)


Ang Aking Bayani by fernaliea
Mayo 7, 2010, 10:39 hapon
Filed under: Mga Sulatin

Sinulat ni Carlo Bugayong

Ang aking kathang-isip na bayani ay si “Sonic the Hedgehog.” Pandak siya pero malakas at matalino. Si Sonic ay isang hayop. Asul ang balat niya. Ang isang kaanib niya ay si Tails. Nilalabanan nilang dalawa ang krimen, tulad ng terorismo. Gusto ko siya dahil siya ay atletiko at listo. Mabait siya at alam niya ang tama at mali. Gusto ko siya dahil siya ay tapat at may dedikasyon. Puwede siyang tumakbo nang mabilis. Iyan si Sonic the Hedgehog, ang aking kathang-isip na bayani.

[English Translation]
My fictional heroine is Sonic the Hedgehog. He is short in stature but he is strong and intelligent. Sonic is an animal. His skin is blue. Tails is his partner. The two of them fight crime, like terrorism. I like him because he is athletic and clever. He is good because he knows right from wrong. I like him because he is loyal and has dedication. He can run fast. That is Sonic the Hedgehog, my fictional hero.



Ang Regalo by katcruz
Mayo 4, 2010, 5:14 hapon
Filed under: Mga Sulatin

by Kathleen Cruz


Kung ako ay isang regalo,

magiging kasaliwaan ako

ng kahon ni Pandora.

Nakabalot ako sa simpleng puting papel

mananatiling misteryo hanggang mabuksan.

Ako ang regalo

ng kaligayahan at kasiyahan.

Katulad ko’y susi,

and susi sa kaligayahan.

Ireregalo ako sa mga magulang ko,

sa pamilya ko sa Pilipinas,

at sa lahat ng mga taong mahirap

para maibahagi sa buong mundo.



Ang regalo by katcruz
Mayo 4, 2010, 5:13 hapon
Filed under: Mga Sulatin

by Justine Estrada

Kung ako ay isang regalo, matatagpuan nila ang pinakamalaking pisa pag bukas sa akin. Kahit hindi ako masyadong maimik at malambing sa mga tao sa buhay ko, minamahal ko sila nang buon-buo at walang katapusan. Parang isang pusa na hindi mo talaga nakikita pero nararamdaman ito, ang pagmamhal ko sa pamilya at mga kaibigan ay nadarama nila dahil sa mga iginagawi ko. Simple lang ang balot ng regalo kasi ang pag-ibig ay hindi pakitang-tao at hindi makasarili. Ireregalo ako sa mga tao na hindi pa nararanasan ang totoong pagmamahal. sa gayon, mararamdaman nila ito at maaaring ikalat ito sa buong mundo.



Kayumanggi by fernaliea
Mayo 4, 2010, 5:08 hapon
Filed under: Mga Sulatin

sulat ni Timothy Biley
May maliit na baranggay, o marahil walang baranggay, hindi ko matandaan.
Isang maliit na kayumangging batang lalake ang nagtatrabaho sa palayan. Isang araw, naglalakad ang maputing batang lalake papalapit sa maliit na kayumangging batang lalake. “Mas maganda ako sa iyo. Mas mayaman rin at mas mahalaga. Mas malakas rin ako.”
Tumakbo ang maliit na batang lalakeng kayumanggi na umiiyak pauwi sa kanyang tahanan. “Nanay!” habang tumutulo ang luha niya, ”Sabi po ng maputing batang lalake
na pangit ako at wala akong katuturan!”
“Huwag kang makinig sa kaniya,” sabi ng nanay, “hindi niya alam kung anong sinasabi niya.”
Hindi naintindihan ng bata ang nanay niya, kaya’t gumawa siya ng putik na manika. “Bakit pangit tayo?” tanong niya sa manikang putik.
“Hindi tayo pangit,” sagot ng putik na manika, “at hindi tayo mahina at walang katuturan.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ba maganda ang mga puno? Hindi ba brown ang mga puno?”
“Siyempre.”
“Hindi ba brown ang mga oso? Sino ang mas malakas ang loob? Ang puting kuneho o ang oso?”
“Ang oso!”
“Hindi tayo inutil. Hindi ba tayo ang nagtatanim ng pagkain? Itinatanim ang binhi sa kayumangging lupa at inaani ng mga katawang kayumanggi. Kung walang kayumanggi, wala tayong kanin. Hindi maaaring mabuhay ang mga puting batang lalake at maging ikaw kung wala tayo. Mahalaga ang kayumanggi para sa lahat!”
Naging masaya ang batang lalake, “Ipinagmamalaki ko ang pagkakayumanggi ko.” Pagkasabi niya nito, masaya siyang nagtrabaho sa palayan sa bagong kaalaman na mahalaga siya para sa lahat.

[English Translation]
Brown
by Timothy Biley
There was a little village, or maybe not, I don¹t remember.
A little brown boy was working in the rice fields. One day, a light-skinned boy walked by the little brown boy. “I am more handsome than you. I am also richer and more important than you. I am stronger than you too.”
The little brown boy ran home crying. “Mama!” he cried, “a little light-skinned boy told me that I am ugly and worthless!”
“Do not listen to him,” said the mom, “he does not know what he is talking about.”
The boy does not understand his mom, so he made a mud doll. “Why are we ugly?” he asked the doll.
“We are not ugly,” the doll replied, “and we are not worthless or weak.”
“What do you mean?”
“Aren’t trees beautiful? Aren’t trees brown?”
“Of course.”
“Isn¹t the bear brown? Who has more courage? The white rabbit or the bear?”
“The bear!”
“We are not worthless. Don¹t we grow food? Grains are planted in brown land and
is plucked by brown people. Without brown people, we would not have rice. Neither you nor the light-skinned boy will be able to survive. Brown is essential for all!”
The boy is happy. “I am proud to be brown.” After saying that, he worked in the fields happy knowing that he is important to all.



Mga Sulatin by fernaliea
Abril 9, 2010, 7:52 hapon
Filed under: Mga Sulatin

Malaking bahagi ng pag-aaral ng wikang Filipino ang pagsusulat. Isa itong paraan upang matutunan ng mga estudyante ang wika at masanay kami sa paggamit ng wikang Filipino. Madalas, nahihirapan kaming mga estudyante sa pagsusulat dahil sa maraming mga patakaran ng balarilang Filipino, pero sa pagsusulat namin, natututunan namin at nagagamit namin ang mga patakaran na aming pinag-aralan.

Dito nakalagay ang kaunting halimbawa na sulatin ng mga estudyanteng nag-aaral ng wikang Filipino.

Mga institusyon na nag-ambag ng mga sulatin:
UC Los Angeles
UC Berkeley
UC San Diego
UC Irvine
San Diego State University