UCLA Liwanag at Dilim 2010 (Benevolence)


Ang Aking Bayani by fernaliea
Mayo 7, 2010, 10:39 hapon
Filed under: Mga Sulatin

Sinulat ni Carlo Bugayong

Ang aking kathang-isip na bayani ay si “Sonic the Hedgehog.” Pandak siya pero malakas at matalino. Si Sonic ay isang hayop. Asul ang balat niya. Ang isang kaanib niya ay si Tails. Nilalabanan nilang dalawa ang krimen, tulad ng terorismo. Gusto ko siya dahil siya ay atletiko at listo. Mabait siya at alam niya ang tama at mali. Gusto ko siya dahil siya ay tapat at may dedikasyon. Puwede siyang tumakbo nang mabilis. Iyan si Sonic the Hedgehog, ang aking kathang-isip na bayani.

[English Translation]
My fictional heroine is Sonic the Hedgehog. He is short in stature but he is strong and intelligent. Sonic is an animal. His skin is blue. Tails is his partner. The two of them fight crime, like terrorism. I like him because he is athletic and clever. He is good because he knows right from wrong. I like him because he is loyal and has dedication. He can run fast. That is Sonic the Hedgehog, my fictional hero.



Interbyu kay Rosalina V. Idos by ecbiado
Mayo 7, 2010, 6:07 hapon
Filed under: Mga Interbyu

ni Ezra Biado

Mga Sagot ni  Rosalina V. Idos

1. Maari po bang magbigay kayo ng ilang tala tungkol sa inyong sarili at sa pagtuturo ninyo ng wikang Filipino/Tagalog?

Ako ay isang guro, propesor, manunulat ng kurikulum, tagapagsanay ng mga guro sa pagtuturo ng wikang banyaga, at masugid na tagataguyod ng pagtuturo ng Filipino.

Ako ay nagtapos ng Bachelor of Science (Magna cum Laude) at Master of Science in Education sa University of the East sa Pilipinas at Master of Arts in Education sa National University dito sa San Diego, California.

Ako ang nagsimula ng unang klase  sa Filipino sa Morse High School sa San Diego Unified School District bilang sagot sa hiling ng mga magulang at komunidad na magbukas ng klase sa Filipino. Ineskedyul ang klaseng ito sa 6:30 ng umaga. Labindalawang estudiyante lamang ang nagtapos ng unang klaseng ito noong taong 1989. Sa mga sumusunod na taon dumami nang dumami ang mga estudiyanteng pumasok sa Pilipino kaya’t sumulat naman ako ng mga kurikulum sa Filipino 1-2, 3-4, 5-6, 7-8, at ng Filipino Honors Program para masagot ang pangangailangan ng mga estudiyante. Sa ngayon ay may 10 klase na ng Filipino sa Morse High School at may 65 klase ng Filipino  sa San Diego. Ito ay magmulang middle school, hayskul, community school at unibersidad.

Noong  nagkaroon ng krises ang mga klase ng Filipino dahil sa batas na New Child Left Behind na nagsasaad na ang lahat ng guro na nagtuturo ng Fiipino ay dapat magkaroon ng lesensya sa pagtuturo ng Filipino, ako ang naatasan ng Commission on Teacher Credentialing ng California ang mamuno ng lupon na gagawa ng eksamin na dapat ipasa ng mga guro para maipagpatuloy nila ang pagtuturo ng Filipino. Noong taong 2007 nagawa namin ang eksaming ito na kinuha at ipinasa ng mga guro ng Filipino.  At dahil sa eksaming ito ng Filipino na aking pinamunuang gawin, ang ibang less commonly taught languages ay nagkaroon na rin ng eksamin na ang ginagamit na modelo ay iyong ginawa namin.

2. Kailan po kayo nagsimulang nagturo at anu-ano ang mga klase o kursong itinuro/ itinuturo ninyo?

Nagsimula akong magturo noong taong 1965 sa isang hayskul, at kinuha  akong propesora  sa University of the East. Nagtagal ako doon ng 20 taon hanggang sa umalis kami patungong Estados Unidos. Ang mga itinuro ko sa hayskul ay Inglis at History. Sa unibersidad ang itinuro ko ay Inglis. Dito sa Estados Unidos, 22 taon akong nagturo sa Morse High School ng History, Economics, Government, at Filipino. Adjunct professor din ako sa Alliant International University dito sa San Diego at nagtuturo ako ng Methods of Teaching. Noong Hunyo, 2009, nagretiro na ako sa pagtuturo sa hayskul ngunit patuloy pa rin akong tinatawag ng school district para gumawa ng curriculum at assessment sa mga klase ng Filipino.

3. Gaano po kalalaki ang klase?  Ilan ang estudyante sa bawat klase?

Ang bawat klase ko ay kadalasan umaabot ng mga 35. Limang piryud na tig-iisang oras sa isang araw ako nagtuturo ng Filipino.

4. Gaano na katagal po kayong nagtuturo ng Filipino?

20 taon na.

5. Ano po ang inyong panuntunan o pedagogy sa pagtutura ng wikang Filipino?

Communicative-based instruction ang panuntunan ko sa pagtuturo ng Filipino.  Ang ibig sabihin ay tinuturuan ko ang mga estudiyante ko kung paano, at kaylan nila gagamitin ang wika. Tinuturuan ko rin silang isaalang-alang kung sino ang kanilang kinakausap at kung ano ang sitwasyon ng kanilang pag-uusap. Sa madaling salita, ang wika ay itinuturo na kaalinsabay ng kultura.

6. Ano po ang binibigyang-diin ninyo sa klase?

Sa simula pa lamang ng semestre o taon, binibigyang diin ko na sa aking mga estudiyante na kailangang maniwala sila sa tatlong bagay: una na mahalaga ang kanilang pag-aaral ng Filipino ; pangalawa, kayang-kaya nila ito; at pangatlo, hindi ko sila pababayaan at lagi akong handang tumulong sa kanila sa pag-aaral ng Filipino.

7. Sa kasalukuyang umiiral na budget cuts, ano naman po ang lagay ng pagtuturo ng wikang Filipino sa inyong lugar o paaralan?

Sa awa ng Diyos, wala namang masyadong epekto sa mga klaseng Filipino ang budget cuts. Ang ibig sabihin, hindi mawawala ang Filipino hangga’t mayroong mga mag-iinrol sa mga klaseng ito. Sa Morse High School nga, nadagdagan pa ng dalawang klase ang Filipino ngayong taong ito.

8. Ano po sa palagay ninyo ang hinaharap ng pagtuturo ng wikang Filipino sa inyong paaralan at sa Estados Unidos?

Malaki ang hinaharap ng pagtuturo ng Filipino sa aming paaralan, sa buong San Diego, sa buong California,  sa Estados Unidos, at maging sa buong mundo.  Ito ay sa dahilang ang mga Pilipino ay matatagpuan kahit saang sulok ng Amerika at sa buong mundo. Sinasabing mayroon ng mga 10 milyong Pilipino na nakatira sa labas ng Pilipinas at ayon sa Commission on Overseas Filipinos, matatagpuan sila sa may 239 na mga bansa sa mundo.  Malaki ang pagnanasa ng mga Pilipinong ito na nakatira sa labas ng Pilipinas na matututo ang kanilang mga anak ng wika at kulturang Pilipino.

Ito ang isang malaking dahilan kung bakit kaming mga guro ng Filipino dito sa San Diego ay nagtatag ng Council for the Teaching of Filipino Language and Culture (CTFLC), kung saan ako tumatayong Pangulo. Ito ay isang kapisanan ng mga guro at mga taga-tangkilik ng Filipino na ang layunin ay para patuloy na maisulong ang pagtuturo ng Filipino para sa kapakanan ng ating mga kabataang Pilipino na nagsasabi na dahil sa mga klaseng Filipino ay naramdaman at nadama nila ang pansariling pagpapakilanlan. At para naman doon sa mga estudiyante na hindi Pilipino, ang klase ng Filipino ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataong matuto ng isa pang wika at kultura.

Dahi sa malaki ang paniniwala ko na maganda ang hinaharap ng pagtuturo ng wikang Pilipino ang aming kapisanan ang nagtatag at nagpalakad ng 2nd International Conference on Filipino as a Global Language na ginanap dito sa San Diego. Ito ay dinaluhan ng may 200 delegado na galing sa iba’t ibang lugar sa mundo na binubuo ng mga guro, propesor, estudiyante, at kapanalig sa komunidad. Lalo kong napatunayan na malaki ang pag-asa natin      na matagumpay na maisulong ang pagtuturo ng Filipino kahit saan. Sa katunayan naimbitahan kami ng World Council on Curriculum and Instruction na pumunta sa kanilang kumperensya sa Hungary ngayong Hulyo para ibahagi sa mga delegado na galing sa iba’t-ibang bansa kung paano napagtagumpayan namin sa San Diego ang pagtuturo ng wikang Filipino at kung papaano ito maituturo rin sa ibang bansa batay sa huwaran na aming nagawa sa San Diego.



Paglalakbay sa Pilipinas by katcruz
Mayo 7, 2010, 5:52 hapon
Filed under: UC Los Angeles

Mabuhay!!! -Charlene Lopez

Higit sa isang bakasyon ang paglalakbay sa Pilipinas. Maibababad ang sarili sa iba’t-ibang kulturang Pilipino, na ang impluwensiya ay produkto ng higit pa sa apat na raang taon ng kolonisasyon ng mga dayuhang Kastila, Amerikano, at  Hapon.

Kakaiba ang Pilipinas sa mga kapit-bahay nito sa rehiyong ikinababahagian nito, ang rehiyong Timong-Silangang Asya. Iba’t-ibang relihiyon at mga kulturang kumakatawan sa katangian ng mga mamamayan ng bansa ang makikita dito. Bilang isang Pilipino-Amerikano, masaya ako na bahagi ako ng bayang Pilipinas, isang bansang tiyak na walang katulad!

Kung dadalawin ang Pilipinas para magbakasyon, sulitin na at dalawin ang iba’t-ibang probinsyang Pilipino. Tulad ko, nakita ko ang iba’t-ibang makukulay at nakakatuwang kulturang Pilipino na talaga namang aking ipinagmamalaki. Kaya halina sa Pilipinas nang matuklasan natin ang ganda ng sariling atin! Mabuhay ang Pilipino, mabuhay ang Pilipinas!

Klima: Charlene Lopez
Kahit anong bahagi ng taon, masarap bumisita sa Pilipinas! Kung init at araw ang hanap mo, Marso hangang Mayo ang pinakamasarap na panahon na bumisita. Kung ulan at kulimlim naman ang iyong gusto, Hunyo hangang Nobyembre naman ang panahon ng bagyo. Samantalang Desyembre hangang Pebrero ang pinakamagandang panahon sa Pilipinas, dahil saktong-sakto lang ang panahon, medyo mainit pero ang sarap naman ng hangin.

Para makita ang kasalukuyang panahon, bisitahin ang Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services Administration (PAGASA)
website: http://www.pagasa.dost.gov.ph or call PAGASA 24-hour hotline (632)4338526.

Links found by Charlene and Kathleen

Visa at Currency:

Para sa higit na impormasyon sa pagkuha ng Visa at pera ng Pilipinas para sa iyong paglalakbay sa bansa, bisitahin ang website na ito: http://www.tourism.gov.ph/SitePages/customs.aspx

Ang website ng Philippine Airlines, na may higit sa 50 taong serbisyo:

http://www.philippineairlines.com/home/home.jsp

Gusto mong matuto ng Filipino?  Pumunta sa website na ito:

http://www.bansa.org/dictionaries/tgl

Cebu:- Kathleen

Ang Cebu ay kapwa makasaysayan at maganda. Nasa Visayas, ang Cebu ay napapaligiran ng 167 maliliit na isla, kasama na ang Mactan, Bantayan, Malapascua, Olango, at Camotes Islands. Binubuo ng mga limestone na talampas at mga kapatagan na may baybayin, may mga lumiligid na burol at mga matatarik na bundok sa buong Cebu.  May mga bundok dito na tumataas ng mga 1000 metro.
Bago nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas, pinasiyahan ang Cebu ni Datu Lapu-Lapu at nagpasampalatya yung isla sa Islam sa ilalim ng katapatan ni Sultan Kiram. Gayun pa man, kasama ng mga Kastila, nag-convert ang Cebu at lahat ng Pilipinas sa Katoliko. Sa katunayan, ang Cebu ay unang probinsiya sa Pilipinas na pinuntahan ni Ferdinand Magellan. At saka, ang Cebu ay ang lugar kung saan nasawi si Magellan, sa kamay ng mga tauhan ni Lapulapu sa Battle of Mactan noong Abril 27, 1521.
Ang Cebu ay napaka kumpara sa ibang mga probinsiya sa Pilipinas. Noong 2007, ibinoto ang Cebu na “Seventh Best Island Destination in the Indian Ocean-Asia Region’ sa Conde Nest Travel Magazine sa United Kingdom.

Boracay: Kathleen

Ang Boracay ay isang napakaganda at masayang-masayang lugar na kailangan ninyong bisitahin. Ito ay nasa timog ng Maynila at may maraming magandang dagat doon. Interesante na hindi natuklasan ang Boracay ng mga turista hanggang sa 1970s, at naging sikat ito sa mga backpackers noong 1980s. Ngayon  ang Boracay ay ibinotong “World’s Number One Tropical Beach” sa TV Quick noong 1996.

Maraming puwedeng magawa sa araw, halimbawa, mga aktibidad na pantubig:  mag- snorkel, scuba-diving, wind-surfing, at iba pa. Puwede kayong mag-island hopping at pagkatapos ay magpamasahe para ma-relax. Nakakatuwa rin kasi may mga kastilyong buhanging malapit sa dagat, at gumagawa ang mga tao ng mga bagong kastilyo araw-araw. Sa gabi, may marami pang puwedeng magawa. May mga restoran, bars, at night clubs. Puwede kayong kumanta at sumayaw buong gabi.



Bagong Uring Komunidad by leavallido
Mayo 6, 2010, 3:23 hapon
Filed under: Komunidad

Ang Bagong Uri Ng Komunidad:

~Lea Angela O. Vallido

Ika-7 ng Mayo, 2010

Simula noong unang panahon ng mga immigrante, ang Estados Unidos ay isa sa mga pangunong destinasyon para sa mga taong nanggagaling sa ibat-ibang parte ng Asya.  Dito, sa “lupa ng malay,” sila ay nagpumilit na magkaroon ng sarili nilang komunidad upang mapanatili nila ang kanilang sariling kultura at pagkakakilanlan, kahit na sila’y sinalubong ng ibat-ibang klaseng diskriminasyon at masamang loob na galing sa mga tao ng lipunan.  Di katulad ng mga unang Tsino, Hapon, at Koreanong imigrante na nakapagtayo ng sarili nilang etnikong komunidad, ang mga Pilipinong imigrante ay hindi kasing suwerte.  Kaya, paano sila nakapag tayo ng sarili nilang etnikong komunidad? Pareho ba ito sa mga ibang etnikong komunidand ng ibang lahing napunta sa Estados Unidos? Bilang isang Asian American major sa University of California Irvine, gusto kong gawin itong isang pagkakataon na ihandog sa inyo ang isa sa mga bahagi ng mga pinag-aaralan ko ukol sa mga Pilipino at Pilipino-Amerikano sa Amerika at sa ibang bahagi ng mundo.

Nabanggit ko na sa umpisa na ang mga Pilipino ay hindi nakapagtayo ng sarili nilang etnikong komunidad noong una silang dumating sa Estados Unidos, at dahil sa kalagayan ng Amerika noong nagdatingan ang mga Pilipino (kaganapan ng Great Depression), mas masahol ang diskriminasyong naranasan nila.  Palibhasa wala silang sariling lugar na matuluyan, ang mga unang Pilipno ay napasingit na lang sa mga etnikong komunidad ng ibang imigrante katulad ng mga Tsino, Hapon, at mga Koreano.  Bagaman nagkaroon rin ng Manila Town sa San Francisco noong unang panahon ng 1900s, ibang istorya na ito.  Ngayong naipaalam ko na sa inyo itong maliit na impormasyon, gusto ko na kayong dalhin sa pangunahing pokus ng artikulo ko.

Sa kasalukuyan kong pinag-aaralan ang libro ni Emily Ignacio Building Diaspora, na tungkol sa paglikha ng komunidad ng mga Filipino at Filipino Amerikano sa Internet.  Halos lahat ng mga tao sa buong mundo ay pinapakinabangan ang panggamit ng Internet, at kung ano-ano pamang posibilidad na inihahandog nito.  Dahil sa Internet at pagsulong ng teknolohiya, napabaliwala ang halaga ng oras at kalawakan ng mundo, at ang mga tao ngayon ay maaaring makibalita at makipagkuwentuhan sa ibang taong nakatira sa kabilang dulo ng mundo, kahit na gaano kahaba ang paginan ng oras sa isa’t isa.  Sa pananaliksik ni Ignacio, sadya niyang pinag-aralan ang mga “thread” sa soc.culture.filipino newsgroup na nasa Internet (1995-1997), at kung paano sumagot at nakipag-usapan ang mga miyembro nito tungkol sa mga isyu katulad ng “ano ang ibig sabihin ng pagka Filipino,” at kung paano nila nakikita at naiintindihan ang kulturang Filipino mula sa mga mata ng bilang isang Filipino o Filipino Amerikano, sa halip na sa pagtingin at interpretasyon ng tagaibang bansa (bukod ditto ay maraming pang iba’t ibang isyu na napagusapan).  Maari bang magkaroon ng isang Filipino o Filipino Amerikanong pagkakakilanlan na hiwalay sa Amerikang pagkakakilanlan? Ano sa palagay ninyo? Paano ninyo sasaguting ang tanong na ganito bilang isang Filipino o Filipino Amerikano?  Itong tanong na ito ay importante, hindi lamang para sa mga Filipino at Filipino Amerikano, pero sa lahat ng Filipinong nasa ibang bansa at lugar ng mundo, dahil sa pagkakolonisasyon ng Pilipinas, ang mga impluwensya ng pangyayaring ito ay nananatiling nagbibigay tulong sa paghugis ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino.

Maraming Pilipino sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundong sumasamantala sa paggamit ng Internet at texting upang magkaroon sila ng koneksyon sa isa’t isa at sa bansang Pilipinas.  Ang paggamit ng mga “facebook,” “myspace,” “chat rooms,” at iba pang uring “threads,” at “forums,” ay nagiging “virtual community” na kung saan nagsasamasama at nagkakakilala ang mga Filipino kahit nasaang parte sila ng mundo.  Katulad ng mga ibang Asians, karamihang Filipino ay pinagpapatuloy parin ang kanilang koneksyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging “transnational.” Ang ibig sabihin nito ay nag-aalala parin sila sa mga nangyayari sa political at ekonomya ng Pilipinas, at patuloy paring ang pagtulong, sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa Pilipinas, sa pagbabasa ng mga diyarong tunkol sa mga nangyayari sa bansa, at sa pag-aayos ng mga fundraising para makatulong sa Pilipinas.  Halimbawa: noong Oktubre ng nakaraang taon, na tamaan ang Pilipinas ng Bagyong Lupit (Ramil) at maraming taong namatay, namatayan, at nawalan ng matitirahan.  Siyempre, ang balitang ito ay madaling kumalat, hindi lamang sa Amerika, pero sa ibang parte ng mundo.  Sa simbahang pinupuntahan ng mga magulang ko, ang kumakatawan ng komunidad ng Filipino sa simbahang iyon, ay nagpahayag at humingi ng tulong sa mga miyembro ng kongregasyon, para sa mga nadamay ng Bagyong Lupit.  May mga fundraisers at bake sales na ginanap para makaipon ng pera na maipapadala sa Pilipinas at matulungan ang mga kababayan.

Sa ngayon at sa darating na panahon, ang teknolohiya ay magpapatuloy magbibigay silbi para sa mga Filipino sa iba’t ibang parte ng mundo, upang sila’y manatiling konektado sa mga pamilya’t kamagaak at sa bansang Pilipinas.  Ang mga “virtual community” na binubuo ng mga bagong henerasyon ay sanay magpatuloy upang parating mayroong komunidad and mga may lahing Filipino na puwede nilang mapuntahan at magsamasama, kahit na harapan.



Para sa Nanay ko by leavallido
Mayo 6, 2010, 3:07 hapon
Filed under: Maligayang Araw ng mga Nanay

Para sa Nanay ko:

Maraming naituro sa akin ang Mama ko, at mas marami akong kailangang pasalamatan para sa lahat ng nabigay at nagawa at pinagpapatuloy na ibinibigay at ginagawa niya para sa akin.

Tinuruan ako ng Mama kong maging mapagmahal at mapagbigay, kahit na walang maibabalik sa akin…

Tinuruan ako ng Mama kong ngumiti imbes na umiyak para hindi mag-alala ang ibang tao…pero, siyempre, kung kailangang umiyak, bubuksan niya ang sarili niya para yakapin ako at umiyak sa kanya sa halip na umiyak ako ng magisa…

Tinuruan ako ng Mama kong parating maging totoo sa aking sarili at sa lahat ng pinaniniwalaan ko sa buhay….

Marami pang ibang bagay at kahalagahan sa buhay na naituro saakin ng Mama ko at siyang ipinagpapatuloy na tinuturo sa akin hangang ngayon na mas mahigit pa sa lahat ng bagay sa buong mundo…

Sa lahat ng mga ito, ang nais kong matutunan ay sana, sa darating na panahon, ay maging kasing husay at kasing mapagmahal akong Mama sa aking sariling anak, katulad ng Mama ko.

~Happy Mother’s Day~



MAY DAY 2010! by baboppinbarbara
Mayo 6, 2010, 3:03 umaga
Filed under: Komunidad

May Day 2010

ni Barbara Dube
Ang mga larawan ay kuha ni Barbara Dube

The people, united…. WILL NEVER BE DEFEATED

El pueblo, unido…. JAMAS SERA VENCIDO

Ang tao, ang bayan….. NGAYON AY LUMALABAN!

Maraming Amerikanong watawat ang nagwagayway sa mga kalye ng Downtown Los Angeles noong Mayo 1, 2010 kaysa noong Ikaapat ng Hulyo. Halos 60,000 na tao ang lumabas upang magdiwang ng May Day at upang tutulan ang SB1070. Lahat ng tao ay lumabas mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda upang tumayo sa pagkakaisa kasama ng mga kapwa nila.

Ang May Day ay tinatawag ding “International Worker’s Day.”  Palagi itong ipinagdiriwang tuwing A-primero ng Mayo. Bunga nito, dahil karamihan ng trabahador sa Estados Unidos ay mga imigrante, ang taunang pagdiriwang para mga manggagawa ay isinanib sa kilusan para sa imigrasyon.

Ang martsang ito ay upang tuligsain ang bagong naipasang batas sa Arizona na SB1070. Ang batas na ito ay ginagawang legal ang “racial profiling” sa Arizona. Para sa karagdagang impormasyon sa SB 1070 iklik mo ang link na ito:
http://www.azleg.gov/legtext/49leg/2r/bills/sb1070s.pdf
Ang isyung ito ay may malaking kinalaman sa komunidad ng mga Pilipino na may limang milyon sa Estados Unidos. Halos isang milyong Pilipino ay undocumented. Ang ating mga kapatid sa Arizona ay magiging mga biktima dahil sa rasistang patakaran nito. Ang mga Pilipino ang ikatlong pinakamalaking komunidad ng mga Asyanong imigrante sa Estados Unidos.

Ang May Day 2010 ay lumikha ng kasaysayan dahil sa dami ng taong lumahok. Ang May Day ay nagbigay sa akin ng isang napakamakapangyarihang karanasan dahil masaya ako sa pagkaalam na maraming mga tao ang may parehong ideolohiya tulad sa akin. Napakaganda ng pakiramdam na tumayo kasama ng mga kapwa ko sa mukha ng pagmamalupit upang sabihin sa buong mundo na mali ang rasismo at ipakita sa kanila ang kapangyarihan ng tao. Lahat ng tao sa mundo ay lumalaban sa “Sikmura ng Halimaw,” at harinawang mahirinan ito at mangasim ang sikmura.

Nagmartsa ako kasama ng AnakBayan, SiGaw, at iba pang organisasyon ng mga Pilipino.  Gusto ko ang enerhiya nila. Mayroon silang cool na cool na awit habang nagmamartsa. Ito ang awit:
“Say yeah, yeah, yeah…..
yeah, yeah yeah yeah
yeah, yeah yeah yeah

yeah, yeah yeah yeah

From the Bay to New Orleans
We gotta stop this war machine!!!

From Iraq to the Philippines

We gotta stop this war machine!!!!

Say yeah yeah yeah……..

Everybody take a look

Obama’s just another crook

Just like all the ones before

Feed the rich and rob the poor

Say no, no no….

People tell me do you know

Where did all out tax dollars go

To invade another land

And give more power to the man

Say no, no no….

Olive tree to olive tree

Palestine will be free

Olive tree to olive tree

The Middle East will be free

Say yeah, yeah yeah…..

From the Belly of the Beast

No Justice No peace

We don’t want no stinkin war

We the people say no more

Say no, no no…..

All the sisters raise your fist!

Now’s the time we must resist!
All the brothers raise your fists!

‘Cuz now’s the time we must resist!

Say yay, yay, yay….”

Ito ang pinaka mahiwagang bagay na nangyari sa akin pagkatapos ng rally. Pumunta ako sa Grand Central Market, pero hindi ako pwedeng pumasok kasi may picket sign ako. Tinanong ko ang security guard kung bakit hindi pwedeng pumasok sa food court na may sign ng Mahal na Birhen. Sinabi niya basta hindi lang pwede. Tinanong ko sa kanya kung naniniwala siyang lumalabag siya ng Amerikanong karapatan ng kalayaan ng pananalita. Pagkatapos, sabi niya, wala siyang pakialam basta hindi lang ako pwedeng pumasok.

Makibaka huwag matakot!

________________________________________________________________________________________

The people, united…. WILL NEVER BE DEFEATED

El pueblo, unido…. JAMAS SERA VENCIDO

Ang tao, ang bayan….. NGAYON AY LUMALABAN!

May Day 2010
There were more American flags flying on the streets of Downtown LA on May 1, 2010 than there has ever been on the Fourth of July. About 60,000 people came out to celebrate May Day and to protest against SB1070. Everyone came out young and old to stand in solidarity with one another.

May Day is also known as “International Worker’s Day.”  It always takes place on May 1. Resulting from the fact that most workers in America are immigrants, the annual celebration for workers has merged with the immigration movement.
The year’s rally and march focused on the recent passage of SB1070 in Arizona. Basically, this piece of legislation has legalized racial profiling in the state of Arizona. For more information on SB 1070 click this link: http://www.azleg.gov/legtext/49leg/2r/bills/sb1070s.pdf
How this issue relates to the Filipino community is that out of the 5 million Filipinos in the United States about 1 million are undocumented. Our sisters and brothers in Arizona will probably get targeted because of this racist policy. We are the third largest Asian immigrant community in the United States.

May Day 2010 made history with the largest turnout that I have ever seen. It was a truly empowering experience for me to know that there are so many people out there who have similar ideals as me. It feels good to be able to stand together with my brethren in the face of oppression to let the whole world know that racism is wrong by letting them see people power. As many can attest to we’re all fighting in the belly of the beast, hopefully we give that beast some heartburn.

I was marching with AnakBayan, SiGaw, and all the other Pilipino organizations that were in that unique group. I really liked their energy. They made a really cool song to chant while marching. It goes like this:

“Say yeah, yeah, yeah…..
yeah, yeah yeah yeah
yeah, yeah yeah yeah

yeah, yeah yeah yeah

From the Bay to New Orleans
We gotta stop this war machine!!!

From Iraq to the Philippines

We gotta stop this war machine!!!!

Say yeah yeah yeah……..

Everybody take a look

Obama’s just another crook

Just like all the ones before

Feed the rich and rob the poor

Say no, no no….

People tell me do you know

Where did all out tax dollars go

To invade another land

And give more power to the man

Say no, no no….

Olive tree to olive tree

Palestine will be free

Olive tree to olive tree

The Middle East will be free

Say yeah, yeah yeah…..

From the Belly of the Beast

No Justice No peace

We don’t want no stinkin’ war

We the people say no more

Say no, no no…..

All the sisters raise your fist!

Now’s the time we must resist!
All the brothers raise your fists!

‘Cuz now’s the time we must resist!

Say yay, yay, yay….”

The weirdest thing happened to me after the rally. I went to Grand Central Market to eat, but I wasn’t allowed entry because I had a picket sign. I asked the security guard why I wasn’t allowed entrance into the food court with my sign of the Virgin Mary. He told me that I just wasn’t allowed. Then I asked him if he believed that what he was asking me to do was violating my right as an American for freedom of expression. Then he told me, he didn’t care I just couldn’t go in.

Makibaka huwag matakot.

Makibaka huwag matakot.



Power In Numbers Tour by baboppinbarbara
Mayo 5, 2010, 11:56 hapon
Filed under: Komunidad

“Power in Numbers Tour”

ni Barbara Dube

Noong Abril 22, 2010 pumunta ang “Power in Numbers Tour” sa UCLA. Itong palabas ay tungkol sa mga isyu sa Pilipinas at sa pakikibaka ng mga Pilipino sa Estados Unidos. Maraming mga magagandang palabas galing sa mga lokal na artista. Pagkatapos nitong pagtatanghal, nagpalabas ng isang bagong pelikula na may pamagat na Sounds of New Hope, tungkol kay Kiwi Illafonte sa direksiyon ni Eric Tandoc, isang alumni ng UCLA.

Ang mga co-sponsor sa pangyayari ay: AnakBayan LA, SiGAw, Habi-Arts, at BAYAN USA. Ang isyu na itinataguyod nila ay ang pag-aalis ng US military sa Pilipinas. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga postcard kay Representative Howard Berman tungkol sa mga inhustisya sa Pilipinas. Ang naging bunga nito ay ang ganap na pag-aalis ng US military sa Pilipinas. Sa panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo may 1118 pinaslang, 200 dinukot, at 1000 kaso ng labis na pagpapahirap.
Maraming mga mahuhusay na artista ang pumunta sa palabas na ito kabilang na sina: EKH, K.See, L.U.V., Peklat & Poetic S of Dobadoza, at Shining Sons. Ito ay isang gabi ng mga awit na nagbigay ng lakas ng loob at kapangyarihan para sa mga tao.

Ang Sounds of New Hope ay tungkol sa paglalakbay ni Kiwi sa Pilipinas kasama ng AnakBayan upang magsimula ng hip-hop na workshop sa Caloocan, Pilipinas. Ang pelikulang ito ay nagpakita ng kapangyarihan ng musika na pag-isahin ang mga tao mula sa iba’t ibang kultura. Gusto kong mapanood ninyo itong pelikula.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pangyayaring ito, bisitahin itong mga website:
AnakBayan LA (http://anakbayanla.org/)
SiGAw (http://sigawla.wordpress.com/about/)
Habi-Arts (http://habi-arts.org/)
BAYAN USA (http://bayanusa.org/)
SHINING SONS (http://www.myspace.com/shiningsons)
E.K.H. (http://www.myspace.com/eledarkymistry)
L.U.V. (http://www.myspace.com/therealluvmc)
PEKLAT & POETIC S of DOBADOZA
(http://www.myspace.com/dobadoza)
K.SEE (http://www.facebook.com/?ref=home#!/profile.php?id=28600483&ref=ts)
SOUNDS OF NEW HOPE http://soundsofanewhope.blogspot.com/

________________________________________________________________________________________

Power in Numbers Tour

On April 22, 2010 the “Power in Numbers Tour” went to UCLA. The event was about the issues in the Philippines and the continuing struggle of Filipinos in the United States. There were a lot of good shows from local artists. After the show, there was a preview of the new movie with Kiwi Illafonte,  Sounds of New Hope. and was directed by Eric Tandoc, a UCLA alumni,

The co-sponsors of the event were: AnakBayan LA, SiGAw, Habi-Arts, and BAYAN USA. The issue advocated for was the removal of US presence in the Philippines. They advocated for this by writing postcards to Representative Howard Berman about the injustices in the Philippines. Resulting from this there is a demand for a complete removal of US troops. During the Gloria Macapagal-Arroyo’s term there were 1118 killings, 200 disappearances, and 1000 cases of torture.
There were a lot of socially conscious artists that went to the show: EKH, K.See, L.U.V., Peklat & Poetic S of Dobadoza, at Shining Sons. It was a night of verses that empowered the people.

“Sounds of New Hope” is about the journey of Kiwi to the Philippines with AnakBayan to start a hip-hop workshop in Caloocan, Philippines. This movie illustrated the strength of music to bring together people from different cultures. I recommend this movie to you.

For more information about this event visit these websites:
AnakBayan LA (http://anakbayanla.org/)
SiGAw (http://sigawla.wordpress.com/about/)
Habi-Arts (http://habi-arts.org/)
BAYAN USA (http://bayanusa.org/)
SHINING SONS (http://www.myspace.com/shiningsons)
E.K.H. (http://www.myspace.com/eledarkymistry)
L.U.V. (http://www.myspace.com/therealluvmc)
PEKLAT & POETIC S of DOBADOZA
(http://www.myspace.com/dobadoza)
K.SEE (http://www.facebook.com/?ref=home#!/profile.php?id=28600483&ref=ts)
SOUNDS OF NEW HOPE http://soundsofanewhope.blogspot.com/



Educating Filipinos: Problems Facing the Next Philippine President by baboppinbarbara
Mayo 5, 2010, 11:52 hapon
Filed under: Komunidad

Educating Filipinos: Problems Facing the Next Philippine President

Isagani R. Cruz

Ni Barbara Dube
Ang larawan galing sa Wikipinas

Tungkol sa nagtatalumpati: Si Isagani R. Cruz ay dating sekretaryo ng edukasyon sa Pilipinas noong 2001.

Ang Pilipinas ay pinakamaikling edukasyon sa mundo nang 14-15 taon. Malapit sa 15.2% ang badyet ng nasyon para sa edukasyon. Ang karamihan ng pera sa edukasyon ay pumupunta sa suweldo ng mga titser. Dahil sa ito: 55% ng mga eskuwelahan sa Pilipinas ay walang kuriyente, 84% ay walang tubig, 62% ay walang toilet, 25% ay walang kisame, at 43% ay walang mga silya.
Ang Pilipinas ay maraming ibat’ ibang sariling departamento sa edukasyon. Ang Departamento ng Kapakanang Panlipunan ay mamahala ng preschool. Ang Departamento ng Edukasyon ay mamahala ng unang grado hanggang labing-dalawang grado. Ang Departamento ng Agham at Teknolohiya ay mamahala ng agham. Itong departameto ay kumukuha ng karamihan ng pagpopondo. Ang Sentro ng Kultura ay itinalaga ng sining.

Kaya kahit na sa kaharian ng edukasyon mayroong maraming paghahati tungkol sa mamahagi ng mga rekurso.

Galing sa mga problema niyon, ang malungkot na realidad ay karamihan ng mga titulo galing sa accredited na unibersidad sa Pilipinas ay hindi tinitanggap sa ibang bansa. Pilipinong Inhinyerong titulo ay tinatanggap lang sa Pilipinas. Ang inhinyerong accreditation sa Pilipinas ay hindi tapat sa Washington Accord at sa Asian Pacific Economic Cooperation Engineer(APEC). Ang Washington Accord ay taong marunong internasiyonal na tularan para sa inhinyerong titulo na dapat apat na taon.
Dahil sa problema ito maraming Filipinong may titulo ay dumadayo sa ibang bansa. Ang mga pagpadala galing sa mga Filipino sa ibang bansa ay mahalagang bagay ng ekonomiya sa Pilipinas. Sa halip na ipokus sa panatilihin ang mga Filipinong may titulo sa bansa para ibago ang sistema; ang Pilipinas ay interesado humanap ng mas mabilis na daanan upang iluwas ng mga Filipinong may titulo para maging trabahador. Sa Pilipinas, itong sistemang ginagamit ay mas makikinabang para sa mga maaring lider sa lipunan na dumadayo malayo sa sariling bayan.
Ang UN ay imungkahi isang programa upang subukan pabutihin ang edukasyon sa pamamagitan; bibigyan siya ng edukasyon para sa lahat sa 2015.            Sa 2015 ang Pilipinas dapat ay tayahin ang krisis ng edukasyon; paanong bigyan ng mga Filipino nang kanilang karapatan upang tumanggap ng libreng pag-aaral mula sa preschool hanggang grado ng labing-dalawa.

Mahirap ito, ang katotohanan ay ngayon ay eleksyon taon at ang katawagan ng pagkapangulo sa Pilipinas ay anim na taon. Nag-alinlangan si Cruz sa abilidad ng Pilipinas upang dumating ng layunin sa susunod na katawagan ng pagkapangulo. Ang agos na krisis ng edukasyon, lahat ng mga kandidato may ibang posisyon tungkol sa pabutihin ng edukasyon. Naniniwala si Teodoro na ang pagpapaulit-ulit ng edukasyon dapat damihan sa 17 na taon at dapat primarya ang wika ng instruksyon sa Ingles. Naniniwala si Estrada na ang pagpapaulit-ulit ng edukasyon dapat 14 na taon at dapat primarya ang wika ng instruksyon sa Filipino. Naniniwala si Villar din na ang pagpapaulit-ulit ng edukasyon dapat 14 na taon, pero naniniwala siya na ang primarya na wika ng instruksyon dapat Ingles. Naniniwala si Aquino na ang pagpapaulit-ulit ng edukasyon dapat damihan sa 16 na taon at dapat primarya ang wika ng instruksyon sa mother tounge-based multi-lingual instruction.

Puwede mong makikita na ang lahat ng kandidato ay hati hati sa sariling paniniwala tungkol sa paanong dapat gawin upang pagbutihin ng edukasyon. Ang hamon sa edukasyon para sa susunod na pangulo ay: mababang pakikilahok, pagkabigo ng internasyonal na pagsusulit, lumang pilosopiya ng pagtuturo, kamangmangan sa kutura at agham, at gumamit ang eskuwela parang negosyo.

Ngayon na ang responsibilidad ni Aquino para ayosin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Salin sa Ingles:

Educating Filipinos: Problems Facing the Next Philippine President
Isagani R. Cruz

About the speaker: Isagani R. Cruz was the former secretary of education of the Philippines in 2001.

The Philippines currently has the shortest education cycle in the world at 14-15 years. Around 15.2% of the nation’s budget goes toward education. Most of the money allotted to education goes towards paying the teacher’s salary. Since this is the case: 55% of schools in the Philippines have no electricity, 84% have no running water, 62% have no toilets, 25% have no ceilings, and 43% have no chairs.
The Philippines have several different departments of education that are autonomous from one another. The Department of Social Welfare and Development deals with preschool. The Department of Education deals with first through twelfth grade. The Department of Science and Technology handles science. This department also gets the most amount of funding. The Cultural Center of the Philippines is dedicated to art. So even within the realm of education there are still a lot of divisions regarding the distribution of resources.

Birthed from those problems is the sad reality that the majority of degrees from accredited universities in the Philippines are rejected overseas. Philippine engineering degrees are only accepted in the Philippines. The engineering accreditation in the Philippines does not meet the Washington Accord standards and the Asian Pacific Economic Cooperation Engineer standards. The Washington Accord is the international recognition for Engineering degrees of the proper tertiary requirement of four years.
Because of these problems educated Filipinos usually emigrate from the country. The remittances sent back from these Filipinos overseas play a vital role in Philippine economy. Rather than focus on keeping the educated people in the country so that change can come the Philippines is finding the most efficient way to export their educated labor force. In the Philippines, a system has been set up in which it is more profitable for the educated potential leaders of the society to emigrate away from their homeland.
The UN has proposed an initiative trying to reform education by providing education for all by 2015. By 2015 the Philippines is supposed to figure out how to fix the current education crisis to allow Filipinos the right to receive free education from preschool to college.

This is going to be hard considering the fact that it is an election year and the presidential term in the Philippines is 6 years. Cruz seriously doubts that the Philippines will be able to meet this deadline within the next Presidential term. The current education crisis can only be highlighted because of the fact that all candidates have very different stances on what they believe should be done to reform education. Teodoro believes that the education cycle should be increased to 17 years and the main language of instruction should be English. Estrada believes that the education cycle should remain at 14 years and the primary language of instruction should be Filipino. Villar also believes that the education cycle should remain at 14 years, however he believes that the main language of instruction should be English. Aquino believes that the education cycle should be extended to 16 years and that the language of instruction should be the mother tounge-based multilingual instruction.

As you can see the candidates are all divided on what they believe should happen to reform education. The challenges in education for the next presidency also include: low participation rate, failure in international tests, outdated teaching philosophies, cultural and scientific illiteracy, and mismatch between education and business.

Now it is the responsibility of Aquino to fix the education system in the Philippines.



Dr. Andy de Luna interview by katcruz
Mayo 5, 2010, 6:15 umaga
Filed under: UC Los Angeles

by Kathleen Cruz

Dr. Andres de Luna Interview:

1) Where were you born and where did you grow up?

I was actually born in Georgia in Macon. I actually grew up until I was 10 years old in a place that is quite unpopulated. We had one traffic light. Macon, itself, is actually the 2nd largest town in Georgia, but we lived about 30 miles from it. The town itself is called Gray. The whole size of the town was about 2,000 people.  If you actually do the Google Earth thing where you can look up your house, my house actually doesn’t show up.

Why is that? It’s because there’s nobody earth. It doesn’t show up. I can tell you that at the time that I grew up, in a 50-mile radius, there was about 50 Filipino American couples in all surrounding towns. I think half of us knew each other because when you see another Filipino person, we think “Wow! You’re a rarity!”  So we invited the to join the Filipino American Association, that’s how my parents knew everybody.

Were they mostly 1st generation or 2nd generation? Most were 1st, I would say. My parents came over to the Philippines right after the martial law was inducted in 1973 and I think a lot of people came over around the same time. Regarding the population, if you think about, it’s still not that many. Out of a population of a 50-mile radius, which is probably around 100 or 200,000 people, 1 out of 2,000 are Filipino. It’s a pretty low number. That’s also why my parents didn’t bother to teach me Tagalog because they said, “You’re never going to use it”. Actually, until I moved to California, I didn’t really know the difference between a Filipino person and a Chinese person. So when I moved to California, it was pretty much a culture shock because I moved to Diamond Bar and there were Filipinos and Asians everywhere.

So you didn’t understand Tagalog growing up? No, and still unfortunately don’t know too much of it at all. I did do reading outside while I was at UCLA for a while, so I did pick up the Tagalog books and really tried to learn it while I was there. But then I found myself, at the end of 2nd year I didn’t really use it that much. So it’s pretty much gone. Which is why I was also interested in doing the Filipino translation because I found that my best way of learning a language is just to practice it. My Spanish is actually getting better now, and its only because I use it on a daily basis. And it’s only when I use it in the hospital. I’m starting to really interview in Spanish now, so I’m hoping the same thing can happen with Tagalog.

2) Where he did his undergraduate/medical school?

The first 2 years I went to Berkeley. But I missed LA, my friends, and family and ultimately decided to transfer. Eventually went to UCLA for 3 years, so I took my time there. Then I went to UCLA for medical school.

3) Any specialty?

I actually thought I would be in LA for my life and didn’t think I would be moving very much. I would’ve planned to stay in LA, but I met a girl and when she got into UCSF for residency, I ended up moving up there as well. So I went to Stanford for Internal Medicine.

4) What is it like being a Filipino doctor in America? Did you feel like you had any difficulties being Filipino?

No…I didn’t. I don’t think so. I think being interested and understanding in different cultures and learning about them, not just Filipino culture, is helpful in interacting with patients. I think that having some knowledge about the Filipino culture when I interact with Filipino patients. But also learning about other cultures is really helpful.  But there haven’t been any real challenges in being a Filipino doctor.

5) Let’s talk about the general Filipino population. High risk factors for Filipinos? Explain?

I can say that in general it’s not studied as much that it could be. Much of the funding goes to studying those that are mostly Caucasian population and the African American population. And now, Latino is starting to catch on. But there aren’t enough good studies that can inform us for sure. SO all I can say is what I tend to see. And it isn’t formally studied enough.  And you’ll see diabetes, hypertension, high cholesterol, coronary artery disease, adrenal disease, and all the other things are all complications of diabetes, hypertension, high cholesterol and smoking, depending on who is coming over. Those are all things that are prevalent in the population. I think there is also quite a bit of mental disorders, although they are quite underestimated in Asian cultures in general because Asians tend to basically deny that they exist.  There’s PTSD…just a lot of mental disorders that are under diagnosed or under reported.

6) Any struggles you have observed for Filipinos with the health care system here?

The biggest one is going to be language barriers by far, and that’s a constant struggle.  It’s a two-edge sword that many Filipinos speak some degree of English, and some of them quite well. What makes it tough is that, if you don’t have a translator for Tagalog, it makes it easy to misunderstand, since there are a lot of double negatives in Tagalog. For example, if you ask a question that you need a yes or no answer to, the biggest thing that I’ve seen that s a problem for Filipino patients and doctors who don’t speak Tagalog (like me), its hard to nail down if they mean “yes” or “no”. Sometimes, because of the way the people respond and you’re not aware of it, you make completely wrong decisions of their diagnosis and medications because you thought the person said no and the person said yes.

7) Advice? Tips for Filipino communities?

That’s a tough one because for me, the way tat I practice medicine, I never really tell people what to do. I tell people the consequences of their actions from a health point of view, and leave it up to them to decide whether they want to follow it or not because people have a lot of things in their lives and make their own decisions. And I can tell people, well the biggest thing you can do for your health is to stop smoking, but I’m not telling you to do that because it’s up to you. It’s your responsibility to yourself. I can tell you based on studies how much likely you are to have cancer, but ultimately, it’s up to you.

The things I tend to see are lifestyles with food and everything. On one hand, food is very important to any culture. Food is very central. So its hard to say, don’t eat this or don’t eat that because although a lot of Filipino food tend to be high in carbohydrates or high in fat and salt, it’s just a lot of high fat and salty food. On the other hand, from a cultural point of view, it’s like “what do you mean don’t eat the food that I eat?” But it is contributing, no doubt, to the level of diabetes that we see. If you cooked things 50 years ago in the Philippines, a lot of people didn’t have access to the food that they regularly eat now in America because it was just too expensive to have, like meat, you know? So in the Philippines, they didn’t have this much problem as they are now. But of course now that everything is getting cheaper, nowadays diabetes and hypertension is getting quite high over there.  Diets changed in general, regardless if you’re in the US or in the Philippines. Id its possible, I would say, perhaps eating less of this food and eating more of the vegetables and getting more physical activity. But this is the same advice really to anybody, in general just eating better and exercise more.  Sometimes that all I can say, because people have different ways of how they choose to manage their lives.

I don’t want to generalize, and it’s not my style to say, “You should do this or you should do that” because it is a very paternalistic style. I really like patients to take responsibility in their own health because they’re the only ones that can really change it at the end of the day.



Para sa Nanay ni Alvin by Alvin
Mayo 4, 2010, 5:53 hapon
Filed under: Maligayang Araw ng mga Nanay

Mahal kong Nanay,

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginagawa ninyo para sa akin. Salamat sa pagpunta ninyo sa lahat ng mga pagtatanghal at mga gawad para sa akin. Salamat po sa pagbabayad ng upa ko sa unang araw ng buwan.  Salamat sa first-aid kit na ibinigay ninyo sa akin noong lumipat ako sa aking apartment. Nars po kayo, at alam ko na kalimitan nag-aalaga kayo sa lahat ng tao. Gusto kong maging magulang na kapareho ninyo. Alam ko na mahirap akong alagaang bata kasi lagi kong inaaway ang aking mga kapatid, pero ipinakita mo ang pag-ibig para sa pamilya natin. Salamat pong muli para sa lahat.

Nagmamahal,

AC

———-

Dear Mom,

I am very thankful for all that you are doing for me. Thank you for going to all my performances and award shows. Thank you for paying my rent when it is the first of the month.. Thank you for the first-aid kit that you gave me when I went to the apartments. You are a nurse, but I know you generally care for all people. I want to be a parent like you. I know I was difficult when I was a child because I would fight with my brothers, but you showed your love for our family. Thank you again for everything.

Love,

AC